Essays24.com - Term Papers and Free Essays
Search

100 % Sa Let, Nasungkit Ng Mga Nagpapakadalubhasa Sa Filipino!

Essay by   •  January 19, 2017  •  Essay  •  871 Words (4 Pages)  •  1,817 Views

Essay Preview: 100 % Sa Let, Nasungkit Ng Mga Nagpapakadalubhasa Sa Filipino!

Report this essay
Page 1 of 4

100 % SA LET, Nasungkit ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino!

        Ang pagpupunyagi at determinasyon ay sandigan para maabot ang isang tagumpay. Ito ang humimok sa mga mag-aaral sa Disiplina ng Filipino ng Aklan Catholic College upang mapagtagumpayan ang dalawang sunod-sunod na pagkapasa sa BLEPT.

        Kamakailan ay nakuha ng Disiplina ng Filipino ang 100% sa isinagawang LET noong Setyembre ng taon 2013 at nakuha ng BSED ng 28.41% sa National Norm. Kabilang sa mga nkapasa ay sina: Lea Mae L. Agudon, Madeliene T. Deogracias, Wengielyn A. Duapa, Cristine I. Nival, Pamela Joie S. Revicente at Jhustine S. Tambong.

        Hindi lamang ditto nagtatapos ang tagumpay ng Filipino Major dahil nitong January 26, 2014 ay nasungkit na naman ang 100% at nakakuha ang BSED ng 39.79% sa national Norm. At ang mga nakapasa ay sina: Charmaine I. ilin, Chanatan N. Nadua, Ma. Fe F. Tubasco. At mapalad akong makapanayam ang isa sa mga nakapasang Filipino major. Si Chantan N. Naduaay isa sa nagging produkto ng Aklan Catholic College. Sa pangaral ni Bb. Chantan, masasalamin natin ang tunay na pagsusumikap at pagtitiyaga upang maipasa ang LET.

        Bilang isa sa mga kumuha ng LET, anu-anong paghahanda ang itong isinagawa? Simula kong katanungan. “Sa pagkuha ng BLEPT, maraming proseso ang pinagdaanan ko. Isa na ditto ang nagging pre-board at postboard exam ng paaralan natin (ACC). Habang nag-rereview ay nagging “Academic Tutor” ako sa Wadeford School. Tuwing vacant ko, pumupunta ako ng libarary para magbasa ng mga librong Filipino. At umaattend ng review tuwing Sabado sa ACC. At higit sa lahat ay nagsisimba ako lingo-lingo at nagsisindi ng kandila.” Ang pagsagot niya ng may sinseredad.

        Hindi ba nagging hadlang sa iyo ang trabaho sa paghahanda mo para sa LET? Patuloy ko. “Para sa akin, hindi nagging hadlang ang trabaho ko sa pagkuha sa halip, ito ay naging daan ko sa aking tagumpay. Bakit? Dahil sa mga tinatalakay kong leksyon sa mga bata ay may napupulot ako doong sagot na lumabas naman sa LET exam. Laiking pasasalamat ko iyon.” Wika na may pasasalamat sa kanyang mga mata.

        Ano ang iyong naramdaman habang kumukuha ng board exam? “sa pagkuha ng board exam hindi mawawala ang kaba ngunit napalitan iyto ng pagkaexcite dahil alam ko sa sarili ko na handa akong kumuha ng exam. Sapat na nag pagreview at panalangin para masagutan ko ang exam. Ang pagsagot niyang buo ang tiwala sa sarili. Naniniwala ako sa sinabi sa amin ni sir Darren na: “ pagalam mo sa sarili mo na makakapasa ka sa una pa lang, makakapasa ka talaga.” Dagdag pa niya.

        Pakilarawan nga po ate ang feeling nang nakapasa? Sabi ko sa sarili ko noon, hindi ko titingnan yung result online, gusto ko itetext ako o tatawagan ako na nakap[asa ako. Nangyari naman yun, tinext ako ng tita ko na nakapasa daw ako, napaiyak ako sa saya at halos hindi ako makapaniwala. Naging maganda ang bunga ng aking p[aghihrap at sakripisyo. Masaya ako sa araw na yon at proud sa sarili ko na kayak o pala at nakapasa ako.

        Ano po ang maipapayo ninyo sa mga sususod na kukuha ng LET? “Ang amipapayo ko lang sa mga kukuha ng LET Exam. Sundin ang payo nila Ma’am Tisay, mag-aral ng mabuti, mag-review palagi at kung kalimitang magdasal sa poong Maykapal.

...

...

Download as:   txt (4.8 Kb)   pdf (28.6 Kb)   docx (342.7 Kb)  
Continue for 3 more pages »
Only available on Essays24.com