Essays24.com - Term Papers and Free Essays
Search

Ang Pagpapatawad

Essay by   •  July 17, 2011  •  1,450 Words (6 Pages)  •  3,909 Views

Essay Preview: Ang Pagpapatawad

1 rating(s)
Report this essay
Page 1 of 6

Ang Pagpapatawad sa Konseptong Filipino

Kapag ang “Pagpatawad” ang narinig ng isang tao o maging itoy isang punto ng pag aaral para sa nakakarami, ang karaniwang naiisip ay isang konsepto ng Relihiyon. Sapagkat dito madalas na talakayin ang Pagpatawad ayon sa turo ng Bibliya at ano ang nais iparating na Diyos sa atin ukol dito.

Ano nga ba ang sinasabi ng Bibliya ukol sa Pagpatawad?

Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi rin kayo patatawarin ng inyong Ama.” (Mateo 6:15)

Madalas na sabihin sa Bibliya ang pangangailang ng paghingi ng kapatawaran at pagbibigay ng pagpapatawad sa isat isa. Dahil lahat tayo ay mga makasalanan na nanghihingi rin ng kapatawaran sa ating Diyos. Sapagkat kailangan natin ang biyaya ng Diyos at kailangan natin ipamahagi ang mga biyayang tulad nito sa ating mga kapatid. At ito ang tunay na kahulugan ng pagiging Kristiyano para sa nakararami. Ang pananaw na ito ang nagbigay lakas at naging sandalan ng ating panahon sa ngayon. Kayat magkarron man at makaharap ang ating bansa ng maraming problema, tuloy parin ang buhay at paggalaw para sa hinaharap.

Ngunit paanong nakatulong ang kaugalian ito sa pag unlad ng kaisipang Filipino?

Sa bansang tulad ng sa Pilipinas, na ang pangunahing turo ng Simbahan ay pagpatawad, mas nakararami, hindi man lahat, ang madaling nakakapagpapatawad sa isang kasama lalo na at itoy lapitan at sadyang aminin ang kanyang pagkakasala. Sabihin natin na para sa isang lalaking Filipino, hindi nito kayang baliwalain ang isang babaeng nanghihingi ng kapatawaran lalo nat itoy patuloy sa pag iyak. Hindi kayang maatim na isang ina ang kanyang anak na yakapin kahit gaano man kadami ang ginawa nitong pagkakamali. Nawawala ang galit ng dating matalik na magkaibigan kapag nagkatagpo ito ng di inaakala sa isang malayong lugar. Tunay nga na kung paanong madali ang magalit para sa isang kasama, ganon din naman na sa isang pitik lamang ng sandali, at kapag hinihingi na ng pagkakataon, napakadaling magpatawad para sa isang Filipino.

Madalas kapag ako ay nanood ng Wish ko lang!, isang palabas sa Channel 7, talaga namang hindi ka maaring umalis sa iyong kinauupuan na hindi maaring lumigid ang iyong luha sa mata. May mga panahon ang kanilang ipinapakita ay isang pamilyang nagkahiwalay na lamang ng bigla, inang iniwan ang kanyang mga anak, amang nakapag asawa ng iba at umalis, mga anak na naglayas at marami pa na sadyang karaniwang karaniwan sa buhay ng mga Pilipino. Ngunit ang kinaganda nito, sa huli ay natututong magbigay ang bawat isa at magpakumbaba para lamang maka bayad sa mga panahong nasayang at nawala.

Maikling pagbabalik sa karanasan ng mga Pilipino

Sabihin nating natural ang pagpapatawad sa isang Filipino dahil sa kulturang kanyang nakagisnan. Sa panahong ang Pilipinas ay sinakop ng mga banyaga, naroon ang pagtitiis at pagkamahinahon ng mga Pilipino sa mga hirap na itoy dinaranas. Masasabi natin na ang pagpatawad ang siyang pinaiiral sa layuning darating ang panahon na sila man ay makakawala sa mga paghihirap na kanilang dinaranas. Ang pag-asang makakamtan ang ligayang dulot ng langit ang nagging daan para tuluyang magsakripisyo ang mga Pilipino. Sa isa ngang pagsasadula na aking napanood taon na ang nakalilipas, madalas na sabihin ng sermon ng isang pari noong panahon ng kastila ang ganito

"wag ninyong hangarin ang yaman dito sa lupa kundi ang yaman na handog ng langit.matuto kayong magbata ng hirap sapagkat mabuti sa mata ng Diyos ang taong naghihirap sapagkat mamanahin nya ang kaligayaan sa langit."(pagsasadula ng Noli me Tangere)

Sa mga pangakong ito isinalalay ng mga Pilipino ang kanilang pag-asa na isang araw ay mamumuhay sila ng masagana at tahimik. Malaya sa pagka-api at pang aalipusta. Naging manhind ang katawan sa hirap at sakit. Kahit na walang kapatawaran ang pinagagawa ay patuloy ang pag gawa alang alang sa kayamanang pangako ng nasa Itaas.

The indios, as Filipinos were called then, were often forced to work without pay and to sell their harvests to the state for almost nothing. Light and Sound returns to the theme of its presentation: "Sundin ang loob mo, dito sa lupa, para nang sa langit. Bigyan mo kami ng aming kakanin, sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama." (Cartmen N. Pedrosa,Column:How do we break the walls of our mind, January 23, 2005, (Star)From a Distance)

Ngunit sa huli ang pagpapatawad ay may katapusan din. Ang pagtitiis at pagtitimpi ay may katapusan din. Sa loob ng maraming taon ng pagkakabilanggo sa pang aalipin at pag-titiis. Nagkaroon ng maraming pag-aaklas at rebelyon para makamit ang ninakaw na kalayaan. Mayroon di nag alinlangan at nakipaglaban ng tabak laban sa baril. Lalo pang pina-igting ang damdaminng mga likhang sulat ni Rizal sa kanyang Noli me Tangere at El Filibursterismo. Ang dalawang nobelang ito ang nagpahayag ng di makatarungang kondisyon noong panahong iyon. Ipinakita rin an gang kahinaan at bulag na pagtanggap ng mga taong tumatanggap sa kanilang aral. Nagkaroon ng liwanag sa mga natutulog na damdamin ng mga Pilipino. Ang pagpatawad sa iba ay nagging pagpapatawad sa sarili. Pagpapatawad sa matagal na pagiging bulag sa hirap at pasakit ng dulot ng mga kaaway.

Ang Pagpatawad sa Makabagong panahon

Sa pagdaan ng maraming panahon, mas nagiging liberal ang pananaw ng isang Pilipino sa pagpapatawad. Sa ngayon, ang paghingi ng kapatawaran ay pagpapakita ng kahinaan. Madalas nating mapansin na patok na patok para sa mga Filipino ang isang pelikulang ang dating inaapi ang

...

...

Download as:   txt (9.2 Kb)   pdf (115 Kb)   docx (12.2 Kb)  
Continue for 5 more pages »
Only available on Essays24.com