Book Analysis: Elie Wiesel's Night
Essay by 24 • December 8, 2010 • 1,335 Words (6 Pages) • 3,060 Views
Book: Elie Wiesel, Night
"It's over. God is no longer with us."
Ang "It's over. God is no longer with us." ang isa sa mga mabigat na binitawang salita ng isa sa mga "rabbi" na kasama ni Wiesel sa "concentration camp" noong nakaraang ikalawang digmaang daig-dig.
Ang librong Night ay tungkol sa karanasan ng hudyo na si Elie Wiesel sa kamay ng mga Nazi. Bata pa lamang siya noong dinala siya kasama ang kanyang pamilya sa Auschwitz. Dito na nagsimula ang isang napakahabang pagbabago na naranasan ni Wiesel. Sa lahat ng karahasan at kasamaan na kanyang nakita, unting-unti niyang nakita ang pagguho ng pananampalataya at paniniwala ng marami sa Diyos, at isa rin siya dito.
Bago pa man mangyari ang pagdukot ng mga Nazi sa mga hudyo, masasabi nating mapayapa ang kanilang lugar. Halos lahat sa kanila ay napakarelihiyoso at naniniwala sa Diyos, at makikita natin ito sa paglalarawan na ginawa ni Wiesel sa unang bahagi ng "Night". Noong unang napabalitaan ang mga karahasan na ginawa ng mga Nazi, wala sa kanila ang naniwala. May isang "rabbi" pa nga ang nagsabing "Nothing will happen to us, for God needs us."(Legends, 124)
Ito ang paniniwala ng karamihan sa mga hudyo noong mga panahong iyon, at makikita natin ang kanilang pagtingin sa Diyos. Kahit na may mga inaabuso na, tuloy parin ang kanilang paniniwalang ang Diyos ang bahala sa kanila, at hindi papayagan ng Diyos na masaktan sila.
Maihahambing ko ang unang bahagi na ito sa kwento ng punong tagapagtanong kung saan kanyang kinuwestiyon ang pagbalik ni Kristo. Kung titignan natin, nariyan na sa harap ng punong tagapagtanong si Kristo ngunit hindi parin siya tunay na naniwala. Sa isang banda, masasabi nating nanatiling bulag ang punong tagapagtanong. Bulag sa anong paraan? Bulag siya sapagkat nasa harap na niya ang mga sagot sa kanyang mga problema ngunit nanatili ang kanyang mga kwestiyonableng paniniwala.
Tulad ng punong tagapagtanong, nanatiling bulag ang mga hudyo sa mga nangyayari sa mga panahong iyon. Hindi natin masasabing kwestiyonable ang kanilang paniniwala sa Diyos ngunit kwestiyonable ang kanilang pagtingin sa Diyos. Naging arogante sila sa kanilang paniniwalang "walang mangyayari sapagkat kailangan sila ng Diyos" at nanatili ang kanilang paniniwalang ganito, kaya't laking gulat nalang nila nang madala na sila sa mga "concentration camp".
Noong naranasan nila ang karahasan at hirap sa "concentration camp", wala sa kanilang makapaniwalang nangyayari nga ang mga nakikita nila. Hindi nila lubos mapaniwalaang hinayaan ng Diyos na mangyari ang mga kasamaan sa kanila sa pamamagitan ng walang humpay at walang awang pagsunog ng mga katawan. Kakaunti lang ang kanilang kinain, ang iba'y binugbog, at ang iba nama'y walang tigil na pinagtrabaho.
Hindi nagtagal, unti-unting nawalan ng pag-asa ang mga hudyo at isa na si Wiesel dito. Noong una'y malakas ang kanyang paninindigan ngunit unti-unti itong naglaho sa bawat araw na dumaan. Unti-unti at isa-isa silang nawalan ng pananampalataya at paniniwala sa Diyos. Hindi na nila nararanasan ang Diyos na kilala nila noong mga nakaraang panahon. Sa katunayan, isa sa kanila ang nagsabing "I have more faith in Hitler than in anyone else. He alone has kept his promises, all his promises, to the Jewish people."(Night,81).
Ito ang napakalaking problema na kinakaharap ng mga hudyo noog mga panahong iyon. Hindi nila masagot-sagot ang kanilang mga tanong tungkol sa mga nangyayari. Halos araw-araw silang nananampalataya sa Diyos ngunit pinarusahan sila upang maranasan ang pinakamarahas na kasamaan sa buong kasaysayan ng ating mundo. Ang pinakamalaking tanong na bumabagabag sa lahat ng tao, hindi lamang mga hudyo, ay "Bakit hinayaan ng Diyos mangyari ito?"
Sa isang banda, hindi dapat kinikuwestiyon ang Diyos. "Man is too insignificant, too limited, to even try to comprehend God's mysterious ways."(Night, 76), ayon sa isang "rabbi". Totoo, na kahit kailan hindi talaga natin malalaman kung ano nga ba ang gustong mangyari ng Diyos. Hindi natin siya nakakausap o nakikita at dinadaan lang natin sa pananampalataya, ngunit sa gitna ng mga kasamaan, mahirap panindigan ang pananampalataya na taliwas sa mga nangyayari. Madaling sabihin na dapat hindi natin kinikuwestiyon ang Diyos, ngunit sa mga nakaranas ng buhay sa Auschwitz, tila imposible ang hindi pagkuwestiyon sa Diyos.
Sa aking palagay, ang pagkuwestiyon at pagreklamo ay bahagi ng ating pagpapakatao. Tayo ay mga taong nag-iisip, at bunga nitong pag-iisip ay ang pagtatanong. At nagtatanong tayo upang maka-alam o palawakin ang ating kaalaman. Ngunit ang ating pagtatanong at pagrereklamo ay nangyayari lamang kung hindi natin ginugusto ang mga nangyayari. Kung kuntento tayo sa ating buhay, tila wala tayong imik o pagtatanong. Nagiging "kampante" tayo sa isang banda dahil pakiramdam natin walang mangyayaring sa atin na hindi kanais-nais.
Ganito ang nangyari sa mga hudyo. Naging kampante sila sa kanilang paniniwala at hindi na sila nagtanong. Kahit may mga nangyayari na sa kanilang paligid, patuloy pa rin sila sa kanilang pang araw-araw na Gawain na hindi na nila namamalayan na sa ganitong paraan, mapapalala nila ang mga
...
...