Feild Study
Essay by Jemer Antipuesto • September 13, 2016 • Essay • 3,949 Words (16 Pages) • 2,309 Views
KABANATA 1
SULIRANIN AT PAG-AARAL
Panimula
Ang bawat wika at dayalekto sa pilipinas ay may sarili at natatanging mga tunog at sari-saring paraan at punto ng pagsasalita na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan o identidad ng mga taong maninirahan. Sa pag-aaral ng wika o dayalekto mahalagang alamin ang kaligiran ng kasaysayan nito mula sa mga maliliit na yunit ng tunog at makabuluhang yunit ng wikang pambansa, mahalagang alamin rin ang kaligiran taglay ng mga wikaing naisanid dito, ang paglawak ng bokabularyo at kaalaman ng bawat isa tungkol sa ibang kaugalian, pagbabago at pagyaman ng wika ay dahil sa mga salitang nagmula sa iba’t ibang lugar.
Ang dayalekto ay patuloy na nagbabago at yumayaman ang bawat salita, nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita o dayalekto, upang higit na maintindihan ang isang salita nararapat lamang na pag-aralan ang kabuuan nito, tulad na lamang sa pag-aaral ng dayalektong tagalog at bisaya sa bawat salita na ang siyang binibigyan diin, sa pag-aaral ng bokabularyo ng dayalektong tagalog at dayalektong bisaya na naayon lamang ito sa pagkakahawig at pagkakaiba ng salita sa bawat diin, punto at pagbigkas ng salita, tulad ng salitang aso, tubo, gabi, baka at iba pa, na maaaring magkasing tunog at magkasing pareho ng pagbaybay ngunit magkaiba ang kahulugan nito. Matatalakay dito ang suliranin at ang katalasan ng kanilang mga isip sa wikang tagalog at wikang bisaya dahil sa mas napapadalas ang paggamit ng wikang tagalog na kung saan ito ay may kahawig na pagbigkas sa wikang bisaya ngunit magkaiba ang kanilang kahulugan. At ninanais ng mananaliksik na pag-aralan ang bawat uri ng salita na na-uukol sa bokabularyo ng dayalektong tagalog at bisaya , sapagkat may mga salita sa bisaya ngayon na maaari ng gamitin sa tagalog, tulad ng salitang tanan, hinay-hinay at iba pa.
Ayon kay jokobson (2003) na ang wika ay ginagamit bilang panimula sa isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa upang ito’y magkakaunawaan, mahalaga rin pag-aralan ang salita ng nakabasi sa dayalektong tagalog at bisaya na ninanais ng mananaliksik upang hindi ito mahihirapan kung papaano unawain ang isang salita o papaano ito nakakatulong sa mananaliksik sa paraan ng pangangalap ng daots dahil ang bawat bokabularyo ng dayalektong tagalog at bisaya ay nakakatulong sa pag-aaral ng mananaliksik, tungo sa pagkakahawig at pagkakaiba ng salita ayon sa pagbigkas, diin at punto nito.
Paglalahad ng Suliranin
Ninanais ng mananaliksik na masagot ang sumusunod na mga katanungan:
1. matukoy ang katangian ng Respondante basi sa:
- kasarian
- Edad
- Relihiyon
- Tribu
- Kurso
2. ilang bahagdan ang salitang magkakahawig at magkakaiba sa dayalektong tagalogna may kaugnay sa dayalektong bisay.
3. ilang bahagdan ang mga salitang magkakahawig ang diin at pagkakaiba ng diin sa bahagi ng pananalitang pangalan, panghalip, pang-uri at pandiwa sa dayalektong bisaya.
4. ilang bahagdan ang mga salitang nasa parehong baybay sa di parehong baybay sa dayalektong tagalog na may kaugnayan sa dayalektong bisaya.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ng ito ay ninanais ng mananaliksik na mapag-aralan ang mga salitang magkakahawig at magkakaiba batay sa dalawang dayalekto sa aspetong ponema at morpema ng wika. at naniniwala rin ang mananaliksik na malaki ang maitutulong nito sa pag-aaral upang makapaglalahad ng mga basikong kaalaman sa pagtukoy ng mga salita batay sa pagkakahawig at pagkakaiba ng dayalektong tagalog at bisaya.
Ang pag-aaral na ito ay naglalaman ng mga mahahalagang impormasyon na maaaring makatulong sa mga guro, mag-aaral at kapwa mananaliksik na magsasagawa ng kaparehong pag-aaral tungkol sa dayalektong tagalog at bisaya ng kung aling salita magkakahawig at magkakaiba ito upang gawing gabay ng ilang mahalagang impormasyon.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral sa pagkakahawig at pagkakaiba ng bokabularyo ng dayalektong tagalog at dayalektong bisaya sa espetong ponema at morpema ng wika sa bahagi ng pananalitang Pangalan,Panghalip, Pang-uri at Pandiwa ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral sa grade II sa Southern, Christian, College, Midsayap, Cotabato gamit ang sloven’s Formula
na bilang batayan ng mga mananaliksik sa pag-aaral.
KABANATA II
MGA KAUGNAYAN NG LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang dayalekto ay mahalagang bahagi ng wika batay sa katangian nito na siyang karaniwang ginagamit ng mga tao sa lipunan. Ito ay yumayaman at umuunlad sa pamamagitan ng bawat salita, nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita o dayalekto,
Diyalektong Tagalog
Ang Tagalog ay ginagamit bilang lingua franca ng Pilipinas, subalit ang Ingles ang ginagamit sa mga paaralan at sa pangkalakalan, pati na rin sa bugkos ng pamahalaan. Ang Wikang Tagalog ay isa sa una at may mataas na uri ng Wika sa kapuluang Pilipinas. Isa sa patunay ng kagulangan nito ay ang dokumento ng laguna copperplate inscription ng taong 822 A.D. na bagamat may pagkakaiba ng anyo nito sa kasalukuyang Tagalog ay may patunay na ito nga ang Inang Wika ng bagong tagalog natin sa Pilipinas. Ang haba ng panahon ng pakikipag ugnayan ng kabihasnang tagalog sa ibat ibang lahi ng mga tao sa ating kapuluan ay nagpayabong at nagpayaman sa wikang ito.Sa kasalukuyan, ang wikang tagalog ay siyang "lingua franca" o siyang kinilalang pangkaraniwang wika na kinikilala at siya ring Pambansang Wika ng Republika ng Pilipinas. Ikalawa dito ay ang mga wika ng bawat rehiyon ng bansa katulad ng Hiligaynon, Cebuano, Bikol, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan at iba pa.ang wikang Inggles ay siyang wikang pangdayuhan at sa mga nagsisigawa sa mga kawanihan o tanggapan na nakikipagugnayan at nakikipagtalastasan di lang sa mga pilipino kundi sa mga taga-ibang bansa din naman.
Ang Tagalog ang siyang ginagamit na salita sa Maynila. Ito'y madalas na hinahaluan ng iba’t ibang mga panrehiyon na salita. Ang Maynila ang tumatayo bilang melting pot ng mga pangkat etnolingwistiko ng bansa. Ang salitang Tagalog ng Maynila ay may pagka-orihinal, madarama mo ang kasaysayan ng Pilipinas sa bawat pagbigkas ng mga salitang naangkop na ngayon sa wikaing ito, bagamat hiram na salita sa dayuhang mananakop, inangkin nang sarili ng mga Pilipino ang bawat salitang ito, at lagi na ring gamit sa lahat ng mga usapin. May pagkamabagal ang pagbigkas at may halong mga banyagang salita ang Tagalog ng Maynila, kabilang dito ang mga hiram na salita galing sa Kastila at Ingles ng mga Amerikano. Kadalasan, naipagkakasing-kahulugan na ang Taglish at ang Tagalog ng Maynila buhat ng malawak na paghiram mula sa Ingles. Ito ang naging batayan para sa Pilipino at, pagkatapos, sa Filipino.ang ibang nakatira sa maynila ay ipinaghahalo ang wikang english at ang wikang tagalog.
...
...