Takot (fillipino)
Essay by jpt16 • December 4, 2016 • Essay • 1,325 Words (6 Pages) • 3,202 Views
TakoT
Ni John Paulo Teodoro
Bakit nga ba tayo natatakot? Ano ba ang takot? Ang Takot ay isang likas na emosyon na nararamdaman ng isang tao kung siya ay nasa panganib,banta o hindi ligtas na sitwasyon. Hindi ito nakikita ngunit nadarama at nakaaapekto sa halos lahat bagaman madalas itong hindi mapansin. Naiiba ang takot mula sa kaugnay na katayuang pang-emosyon ng pagkabahala, na karaniwang nangyayari na walang kahit anumang panlabas na panganib. Karagdagan pa nito, may kaugnayan ang takot sa mga partikular na ugali ng pagtakas at pag-iwas, datapuwa't ang pagkabahala ay resulta ng mga banta na nakikita bilang hindi maiwasan o hindi mapigilan.
May mga tao na nabubuhay sa TakoT. Oo, ako na nakapaloob sa takot. Ikaw, ako at tayo na may sari-sariling takot o kinakatakutan. Naaalala ko noong bata pa ako takot ayokong mapagalitan kaya patago kong ginagawa ang mga ayaw ng magulang ko, takot kase akong mapalo. Takot din ako sa malalim sa swimming pool dahil hindi ako sanay lumangoy, sa matataas na lugar,at sa madilim. Nakakatuwang isipin na may nalagpasan o nalabanan ko ang ilan sa mga kinakatakutan ko pero may nanatili pa din at nadagdag sa mga ito. Paano ko nalabanan? Nakasanayan ko na siguro, ngunit may nadagdag sa pagdaan ng panahon dahil narin siguro sa mga naranasan o karanasan na panget at hindi kanais-nais.
Pobya isang ay ang walang kadahilanan, matindi at palagiang takot sa mga ilang sitwasyon, bagay, aktibidad o tao. Ang labis at walang kadahilanang pagnanasa sa pag-iwas sa kinakatakutan ang pangunahing sintomas ng sakit na ito. Kapag hindi na mapigil ng isang indibidwal ang kanyang takot, o kung nakakasagabal na sa pang-araw-araw na buhay, maaaring magkaroon ng diagnostiko sa ilalim ng isa sa mga sakit ng pagkabalisa. Dahil hindi normal ang pobya, maaaring ikumpara natin ito sa normal na takot upang malaman natin kung tayo na ba ay meron ng pobya. Ang normal na takot ay kung nakaranas ka ng pagkahilo kapag nasa taas ka ng isang gusali. Pobya itokung ayaw hindi mo tinanggap ang isang trabaho dahil nasa napakataas nitong palapag. Normal rin ang pagkatakot sa karayom ngunit kapag ayaw mo nang magpagamot dahil natatakot ka sa karayom, ito ay pobya nang maituturing.
Ang pobya ay nagsisimula sa mga ating karanasan kung saan nagdudulot ito sa atin ng hindi magandang alaala na ayaw na natin pang maulit pa. Isa din ako sa mga nakararanas nito, mayroon akong pobya sa mataas na lugar simula pa nang aking pagkabata. Acrophobia ang tawag dito takot sa matataas na lugar. Ang isa pa ay trypophobia kung saan ito ay takot sa maliliit na butas na nakikita sa katawan o parte ng katawan ng tao. Takot ito na hanggang ngayon ay aking iniiwasan.
Maraming takot na nadarama ang tao, maaaring takot pisikal at emosyonal. May takot na alam ayaw natin gawin dahil ito ay mali o natatakot ka dahil may nagawa kang mali. Ito ay konsensya, ang sangkap ng ating pagkatao na umuusig sa ating budhi sa tuwing atin itong nilalabanan at nagdudulot naman sa atin ng kasiyahan at magandang pakiramdam kung ang ating mga gawa, pagiisip at pananalita ay sumasang ayon sa ating pananaw sa moralidad o sa ating sariling pamantayan ng mabuti at masama. Ang konsensya ay gumagana kung ang gawa, pagiisip at pananalita ng isang tao ay sumasang-ayon o sumasalungat sa kanyang pamantayan ng mabuti at masama. Takot tayong gumawa ng masama dahil alam natin na mali ito, kung nkakagawa man tayo madalas si konsensya ang kumakatok sa atin.
May mga tao at bagay din na takot tayong mawala dahil ito ay mahalaga sa atin. Mahal natin kaya takot tayo na sila ay mawala. Ang aking Pamilya, kaibigan at mga taong mahahalaga sa atin. Lumaki tayo na nandyan sila, kasama natin sa lahat ng pagkakataon. Ang mga taong humubog sa akin kung ano ako ngayon. Ang mga bagay na nakasanayan na natin na nandyan, mga bagay na ating pinaghirapan upang ating ito’y makuha. Ang mga tao at ating mga nakamit na lubos natin minamahal at pinapahalagahan dahil takot tayo na ito ay mawala.
Matagal ko nang naiisip ang mga bagay na ito ngunit ngayon ko lang uli inalala. Napunta ito sa aking isipan nang mga panahong pinag-uusapan namin sa aking klase sa sabdyek na bibliya,ang mga taong naniniwala at tinatanggap ang Panginoong Diyos sa panahong malapit na silang kunin ng kamatayan. Tinanong ng aking guro kung hindi ba parang mababaw ang naging dahilan ng mga taong ito. Na kaya lang sila naniwala ay dahil sa takot na baka sa pagtatapos ng kanilang buhay ay mayroon ngang langit at impyerno. Na may buhay pa pala pagkatapos ng buhay na ito sa lupa at kung hindi sila maniniwala ay impyerno ang kanilang bagsak. Tunay nga ba silang naliligtas kahit sa natitira nilang mga sandali? Tunay nga bang sa langit pa rin ang punta nila?
May sumagot na ayon sa kanyang paniniwala, maaari pa ring mapunta sa langit ang mga taong ito basta’t tinanggap nila at pinaniwalaan si Hesu Kristo. May isa namang sumagot na kung titignan ay parang mababaw nga ang dahilan ng mga taong ito sapagkat hindi naman nila talaga pinaniniwalaan ang Diyos buong buhay nila. Pagkatapos ngayon ay bigla-bigla na lamang silang maniniwala dahil sa takot. Kumbaga’y parang di talaga tunay ang kanilang paniniwala at parang ginagawa na lamang nila ito upang manigurado na kung mayroon ngang buhay pagkatapos ng kamatayan ay mapupunta naman sila sa isang maganda at maginhawang lugar. Habang ako’y nakikinig, napapaisip ako sa kanilang mga sinagot. Tama naman ang kanilang mga sinasabi. Ngunit sa kabilang banda, nabagabag din ako lalo na sa pinakahuling sagot. Hindi ko sinasabing mali ang kanyang mga sinabi kundi parang lalo lamang akong napaisip. Nais ko sanang sumagot sa klase ng araw din na iyon ngunit nauna sa akin ang takot. Natakot ako sa aking Guro na sa kanyang galing at talino ay baka maliitin niya lang ang sasabihin ko.
...
...