Alamat Ng Alitaptap
Essay by Essiel Danielle • July 26, 2016 • Essay • 502 Words (3 Pages) • 1,996 Views
Alamat ng Alitaptap[pic 1]
Noong unang panahon, sa Baryo Tapungkal may isang mangkukulam na nagngangalang Lucia. Ang mangkukulam na ito ay pinaniniwalaang nagkakatawang tao kaya’t pag siya’y naglilibot sa gubat o sa syudad, walang nakakaalam na siya’y isang mangkukulam. Isa raw sa mga dahilan kumba’t ito nagkakatawang tao ay dahil sa pagpapasiya nitong humanap nang lalakeng iibigin. Napaganda niya bilang tao. Ngunit sa likod nang pangangatawan niyang ito ay ang masahol na hitsura. Bukod pa rito, kaya raw siya nababa sa syudad ay dahil du’on niya raw matatagpuan ang sari-saring sangkap na kakailanganin niya sa mahikang inumin na pampaganda niya sa anyong tao. Isang araw, sakanyang pamimili, ay may nasanggi siyang kargador na nagngangalang Rodulfo. “Ay miss sorry!” sabe ni Rodulfo sabay pulot nang mga nahulog na prutas, gulay at materyales na bitbit ni Lucia. Sakanilang pamumulot, biglang nagkatagpo ang mga mata nang dalawa at nagkahawak nang kamay nang walang kamalay-malay. Nang matapos ang pagpupulot, “Okay lang” wika ni Lucia sabay takbo. Sa pagsakay ni Lucia sa jeep ay kanyang nakasabay si Rodulfo. “Oh aalis na! Aalis na!” wika nang konduktor. Nagkatabi ang dalawa. Nang bumaba si Lucia, laking gulat nito na taga Baryo Tapungkal rin pala ang binatang si Rodulfo. “Rodulfo?” ang wika ni Lucia. “Lucia? Taga rito karin pala?”. “Ah eh, malayo pa ang lalakbayin ko patungo samin”. “Gusto mo ihatid na kita?” alok ni Rodulfo. “Nako! Wag na. Gagabihin ka pa oh, mahirap nang umuwi nang gabi, maraming pasikotsikot” tanggi ni Lucia. “Ah, sige. Pasensya nga pala kanina ah?” sabe ni Rodulfo. “Nako wala yon. Haha. Ikaw naman. Gusto mo sabay tayong pumunta nang syudad bukas?” alok ni Lucia. “Ohsige!” huling wika ni Rodulfo. Nagtuloy-tuloy ang pagsabay nang dalawa hanggang sa isang araw ay nagkaibigan ang mga ito. Nagtagal sila nang halos apat na buwan ngunit may katanungan na pilit na bumabagabag kay Rodulfo. “Mahal? May nais sana akong tanungin sa’yo” wika ni Rodulfo. “Hmm? Ano iyon” sagot ni Lucia. “Ah, wag mo sanang masamain pero, bakit hindi mo ako hayaang ihatid ka pauwi?” kabadong pagtanong ni Rodulfo. “Kase mahal, baka ika’y mapahamak” sagot ni Lucia. “Ganun ba? Um, possible ko kayang makilala ang iyong mga magulang?” wika ni Rodulfo. “Nako mahal, gagabihin na ako. Delikado na. Bukas nalang uli ah?”. Sa paguwi ni Lucia, sinundan ito ni Rodulfo nang walang kamalay-malay ang binibini. Nang Ilang segundo lamang ay lumitaw na ang buwan. Nagpalit na nang anyo si Lucia. Laking gulat ni Rodulfo na isa palang pangit na mangkukulam si Lucia! “Mahal?!”. Sabay takbo si Lucia. Nang wala na itong matakbuhan, nasundan parin ito ni Rodulfo. “Mahal ano to?!” tanong niya. “Diba’t sabe ko sayo wag mo akong susundan!” pasigaw na sagot ni Lucia. Dahil sa sobrang galit nito, ginamitan nang mangkukulam si Rodulfo nang mahika na nauwi sa pagiging alitaptap nang binata. “Dahil sa ginawa mo, habang buhay kong iisiping ikaw ay isang masamang alala!” at yoon na nga, lahat nang lalaking nakilala ni Lucia at masamang taong umaapi sakanya ay naging alitaptap na nilagay niya sa jar.
...
...